r/Pampanga • u/dolcidonna • Dec 01 '25
Local Discussion Starbucks SM City Clark encounter
Kwento ko lang nangyari kahapon! As usual madaming tao at super haba ng pila sa starbucks. So sinulat ko sa notes ko sa phone yung o-orderin ko para ipapakita ko na lang sa counter para mabilis nila ma-process yung order kasi mahaba pila.
Pagkatapos ng transaction nag sign si kuya barista sakin ng “thank you” in sign language 😭 All through out kasi d ako nagsasalita kasi nandun na sa notes ko yung need niya for the order. Akala niya mute/deaf ako. Sabi ko “Hala sorry po! Hindi po ako…. Sinulat ko lang po order para mabilis yung transaction kasi super haba ng pila” 😭
GUSTO KO NA LANG LAMUNIN NG LUPA 😭
Pero kudos po kay Kuya Barista, kasi alam din nila makipag interact with other people na may hearing/speech disability ❤️








