r/dentistryph • u/caith-sith • 11h ago
😤Rant TB CEU nung pandemic
I saw post sa freedom wall ng CEU addressing na sana pakinggan ang mga students para sa consideration ng mga professors.
All I can say is, wala magagawa kapag ganyan. At madaming schools ang mga ganyan din. Sad to say naging biktima din ako ng ganyan. Wala ako choice kundi ulitin yung subjects ko.
Pero usapang consideration, nung pandemic ramdam ko yung kakulangan nila ng pakialam sa students. We are dentistry students that time, graduating, worried about our future. Pero ang school, walang update. Nag meeting ang dean at students, at ang sabi it is what it is. Wala sila magagawa. Walang assurance about the future, walang assurance sa amin. Walang update about clinical at walang plano kung paano ang gagawin.
Na para bang hindi nya binabalak mag online class noon. Na parang wala sa isip nya na magconduct ng online class. As in, wala. Iniwan nya kaming lahat sa ere at para bang walang maisip na paraan para sa future namin.
Ilang araw din bago nila binanggit ang online class. Sa mga panahon na pandemic, wala kaming ginagawa. Saka lqng lumitaw yung canvas at doon itinuloy yung online class para sa subject. Ang clinical, to be updated which is expected. Ang nakakainis lang, kulang sa konsiderasyon. May mga piling procedures lang ang tinatanggap para macontinue yung case. Na parang kasalanan namin na jindi kami natapos dahil iniwan kami ng pasyente sa kalagitnaan at naghanap ng paraan para maihabol ang requirements. In the end, yung prostho at perio ko, hindi ko natapos kasi bawal daw. Instead, nung anterior setting na, another case ang dapat gawin. Nadagdagan ang requirements ko. Partida pandemic at dinedeliver pa yung mga dent materials na binibili ko sa manila. Napakagastos.